1 Sumibol na Gramatika sa Filipino: Ilang Obserbasyon sa mga Bagong Kalakaran/ Pagbabago sa Wika ni Aurora E. Batnag, Ph D Gauna, May Marie A. IV- 6 BEEd Prof. P. Villafuerte
2 Basahin : 1.Hindi ko siya alam. 2. Ipindot mo, ihinto ko (karatula sa jeep) 3.Tanong: Anong ginagawa mo rito? Sagot: Dito kaya ako nakatira . 4.Noon kasi, although kilala na siya, hindi raw siya tinitilian. So nagsikap pa siya para mas sumikat pa. 5. Matalino ang mga students ko ngayon.
3 Ang sumisibol na gramatikaPatuloy na nagbabago ang alin mang wikang buhay, dahil sa patuloy na paggamit nito ng paparaming tagagamit na may iba’t ibang edad kasarian, pinag-aralan,paniniwala, layunin ng komunikasyon, paraan ng pagpapahayag at iba pa. Tinatawag itong EMERGING GRAMMAR ng ilan, na maaring tumbasan sa Filipino ng “Sumisibol na gramatika.”
4 Aurora E. Batnag Ang kanyang mga inilahad ay obserbasyon lamang.Batay sa panghabang buhay na aliwan, pagmamasid at pakikinig sa mga taga gamit ng wikang Filipino. kumuha ng impormasyon at magmasid sa gamit ng wika Setyembre-Oktubre 2008 Hindi masasabing siyentipiko ang pag-aaral na ito dahil hindi ddumaan sa proseso ng pormal na pagtatala gamit ang maraming respondents.
5 Ilang obserbasyon sa mga bagong kalakaran sa WikaPonemang /f/ at /v/ Pangngalang pantangi Vic Lima – Bik Lima Ted Failon - Ted Paylon Ricky Velasco - Ricky Belasco Revicon Forte - Rebikon Porte
6 Batay sa mga nakalap na datos, hindi pa conscious ang mga Pilipino sa pagpapatunog ng /f/. Ang tunog na lumalabas ay p na parang f. Lumalabas noong 1972 ang Tagalog Reference Grammar nina Schachter at Otanes. Sa nasabing libro, ang /f/ay nakakulong sa parentheses dahil marginalized pa lamang.
7 Ang pilipit na “r” Ayon kay Batnag may ilang wika sa Pilipinas na walang /r/, kaya marahil medyo pilipit ang kanilang r kapag nagsasalita na sa Filipino.
8 Kontrobersiya… Noong panahon ng panunungkulan ni Lito Atienza bilang alkalde ng Maynila, makikita sa lahat ng sulok ng lungsod ang ganito: MayniLA: Atin siya.
9 Iba pang mga halimbawa:“Akala namin ay matibay ang pader, pero sa biglang pagbuhos ng ulan ay agad siyang bumigay. “Bago mu siya pindutin, tiyakin mo munag nakasaksak ang computer.”
10 Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa (1939) ni Lope K. Santosang salitang siya ay isahang panghalip panao sa pangatlong panauhan. Katumbas nito ang he o she. Hindi lamang panghalip panaoo ang gamit ng salitang siya. Maaring hindi na napapansin ng marami sa atin na ang salitang ito ay nagagamit sa pagbubuo ng ilang salita.
11 Halimbawa: Ano ang pasiya mo? Masiyahan kaya ng ating mga bisita sa ating handa? O, kasiya ba sa iyo ang damit? Siyanga? Baka naman binobola mo lang ako. Siya nawa
12 Sadyang patuloy na nagbabago ang isang wikang buhaySadyang patuloy na nagbabago ang isang wikang buhay. Ang mali ngayon ay maaring maging katanggap-tanggap bukas.
13 Nakakahiya o nakahihiya?Nilutas ang problema noong 1987 sa tuntunin sa bagong alpabeto at tuntunin sa pagbaybay pinalabas ng noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas(Komisyon sa Wikang Filipino ngayon o DECS noon) Nilutas sa pamamagitan ng pagtanggap sa dalawang anyo: kapwa tama ang nakakahiya at nakahihiya.
14 Ayon sa tuntunin sa mga aklat sa gramatika:ang pagbabanghay ng pandiwa , inuulit ang unang pantig ng salitang ugat. Hal. Nagpaplantsa - unang pantig: plan Nagplanplantsa Salitang Ugat hiya Word base(word stem) kahiya Panlapi ma-
15 Mga halimbawa: TAMA Nakipaglalaban Nakikipaglaban NakigagamitMALI Nakipaglalaban Nakikipaglaban Nakigagamit Nakikigamit Nagsisipag-alisan Nagsipag-aalisan Nangagsisitulog Nangagsitutulog
16 Gayon man malawak ng ginagamit ang pag-uulit ng unang K at unang P sa salitang ugat,mga salitng kinakabitan ng ma+, ka +. Halimbawa: Nakakaranas nakararanas Nakakahiya nakahihiya Nakakatiis nakatitiis Nakakalungkot nakalulungkot Nakakasindak nakasisindak Nakakadismaya nakadidismaya Nakakabuo nakabubuo Nakakatanda nakatatanda Nakakakilala nakakikilala Nakakabuti nakabubuti Nakakasama nakasasama Nakakasiguro nakasisiguro Nakakalipas nakalilipas Nakakatuwa nakatutuwa
17 Kapag naman may pa-, ganito ang naoobserbahan:Naipapadala Naipapaliwanag Naipapahayag Ipinapalabas Pinapapunta Pinapasagot Ipinapalagay Naipadadala Naipaliliwanag Naipahahayag Ipinalalabas Pinapupunta Pinasasagot ipinalalagay
18 Konklusyon: Ang anyo ng salita na unang K at unang P ng salitang ugat ang inuulit ay karaniwanh nakikitasa pasulat na anyo, lalo na sa mga teksbuk. Samantala, sa pagasasalita mas gamitin ang anyo ng salita na ang inuulit ay ang unang pantig ng word base.
19 Ang nang at ng Noong 1939 tinangka ng Balirala ng Wikang Pambansa na pag-ibahin ang nang at ng. Kaya noon pa ay minungkahi na ito ay pagisahin na lamang ng gamit nang at ng.
20 Pagamit ng Panlapi May sariling kahulugan ang mga panlapi kaya posibleng magbago ang kahulugan ng salita batay sapanlaping ginagamit. Hal. bumili-magbili May mga panlapi rin na maaaring magkapalitan tulad ng i- at –in na parehas lang ang kahulugan.
21 Hal. Iluto- lutuin Iprito-prituhin iihaw-ihawin Igisa-gisahin Ngunit posible ring mabago ang kahulugan dahil iba ang magiging resulta dependesa panlaping ginamit. Iakyat akyatin ibili bilhin
22 Konklusyon Samakatuwid, may mga nakatakda nang mga panlapi sa bawat salitang ugat upang maipahayag ang guustong kahulugan. Ngunit ngayon, sa dami ng ginagamit ng Filipino na hindi taal na nagsasalita ng wikang ito, maraming pumapasok na ibang gamit
23 “ Irespeto n’yo naman ako. ” “Italakay natin ngayon ang bagong panlapi“ Irespeto n’yo naman ako!” “Italakay natin ngayon ang bagong panlapi.” “Ipindot mo, ihinto ko.” Dati respetuhin at talakayin ang ginagamit ngunit ngayon pumapasok na ang paggamit ng panlaping I- sa halip na –in.
24 Iba pang halimbawa: i-computer hindi computerin i-discuss hindi discussin i-challenge hindi challenge-in i-xerox hindi xerox-in Maaaring ito ay mas madaling makilala ang orihinal na anyo ng salita kapag nakabukod sa unahan ang panlapi.Samantala may pagbabagong nagaganap sa salitang-ugat kapag nasa huli ang panlapi.
25 Paghahanay ng mga salitaSina Pinoy Dream academy Season 2 Grand Star Dreamer Laarni Lozada at First Runner-up Bugoy Drilon. (dati: Sina Laarni Lozada Pinoy Dream Academy Season 2 Grand Dreamer, at si Bugoy Drilon, First Runner-up.) Sa makatuwid ay paunti-unti ay pumapasok ang impluwensya ng Ingles sa sintaks. Maaari ring idagdag ang paggamit ng salitang siya upang tukuyin ang bagay na walang bagay.
26 Pagkakaltas ng unlapi Karaniwan ang pagkakaltas ng mga pantig sa unahan ng salita.Lalo na ang unlaping i-. Hindi alam ng gumagamit na dapat pala ay may i- sa unahan ng salita. Hal. Pininta Nirekomenda Iniugoy Pinasasagot Tinatanong Hatid
27 Mga bagong pahayag Parang apoy na lumalaganap ngayon ang paggamit ng kaya sa ganitong sitwasyon: Dito kaya ako nakatira, ano? Busog na ‘ko, kumain na kaya ako! Dati: Nagmumungkahi: Lumunok ka kaya nito,baka makabuti sa iyo. Nagdududa: Ipinuslit kaya niya ang pera?
28 Palasak na rin ngayon ang mga sumusunod: 1Palasak na rin ngayon ang mga sumusunod: 1.Huli kasi siyang dumating, so nahuli rin ako. 2. Sige na nga, payag na ako ,although hihinhin parin natin ang opinyonn niya.
29 Ayos ng pangungusap Karaniwan – ayos na walang “ay”Di-karaniwan- ayos na may “ay” Ayon kay Santiago sa kanyang Makabagong Balarilang Filipino, ang di-karaniwang ayos (may ay) ay karaniwang ginagamit sa mga pormal na pagkakataon.
30 Sa Tagalog Reference Grammar nina Schachter at Otanes na lumabas noong 1972, tinawag nilang “ay inversion” ang pangungusap na may “ay” at a samakatuwid ay nauuna ang argumento (o paksa) sa panaguri. Para sa kanila, sa inversion construction ay inililipat sa unahan ng pangungusap ang ilang bahagi na wala sa gaitong posisyon sa batayang pangungusap.
31 Mga pagsasanay sa teksbuk: Para sa maraming linggwista, iskolar ng wika at guro ng Filipino,pareho lamang, walang pagkakaiba ang dalawang ayos ng pangungusap at maaaring pagpalitin. Mga pagsasanay sa teksbuk: Isulat ang K kung ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos. DK naman kung di karaniwan. _____1. Ang mga butanding ay malapit ng maubos. _____2. Pangalagaan natin sila.
32 B. Gawing di karaniwan ang ayos ng pangungusap na nasa karaniwang ayos at karaiwang ayos naman ang nasa di karaniwang ayos. Kay Lope K. Santos, ang “ay” ay pandiwang walang banghay. Kina Schachter at Otanes, ang “ay” ay hudyat na nauuna ang argumento(o paksa) sa panaguri. Ngunit ang “ay” ay may gamit sa pangungusap hindi lamang upang ihudyat na nauuna ang simuno.
33 Ang gamit ng “ay”: Kapag gustong bigyang pansin ang argumento o paksa. Hal. Ang kapistahan ng Nuestra Senora dela Paz ay ginugunita tuwing Enero 24. Ang Nuestra Senora dela Paz ay Patrong ng Congregation of the Scared Heart of Jesus and Mary na itinatag ni Peter Coudrin sa Paris noong French Revolution. Editoryal, Balita, Enero 24, 2007
34 b. Kapag may gustong bigyang diin sa unahan ng pangungusap. Halb. Kapag may gustong bigyang diin sa unahan ng pangungusap. Hal. Madilim pa’y ginising na ako ng sunud-sunod na tahol ni Ruben. Sa Camiguin ay masarap ang Lansones. Kapag gabi kasi ay walang trapik sa lugar nina Maris. Narito lang ako, Lumuluha ni Ruben R. Marcelino
35 c. Kapag may ipinakilalang bagong paksa. Halc. Kapag may ipinakilalang bagong paksa. Hal. Ang mga sumusunod ay may saguting kriminal sa malubha at sa di gaanong malulubhang krimen. Mula sa Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas Salin ni Cezar C. Paralejo
36 d. Para makita ang konstruksyong parallel. Hal. Datumanong ay mahigpit na kaalyado ni Ate Glo kaya sa bawat sabihin ni Ate Glo ay yes lng si Datumanong. Rod T. Salandanan, Balita,Set Ang bantay ko’y tala ang tanod ko’y bituin. “sa Ugoy ng Duyan”
37 e. Sa pagbubuod ng nauunang pahayag. Hale. Sa pagbubuod ng nauunang pahayag. Hal. Ito ay parang silakbo ng damdamin sa katatapos lang na impeachment process. Balita, 9/9/05
38 Samakatuwid, may gamit ang bawat ayos ng pangungusap sa kabuuan ng diskurso. Bigyang pansin na sa pasalitaman o pasulat na komunikasyon, bawat isa ay gumagamit ng strukturang naaayon sa ibig niyang ipahayag o sa uri ng diskurso.
39 Mga bagong Panlapi? S bilang pamparami ng pangngalan?-ibo,-al,-en Hal. Kontemplativ, nasyonal, komisyoner atbp. S bilang pamparami ng pangngalan? Hal. mga girls, mga boys, students, administrators, friends Masasabi lamang na pamparami ang s kung tinatanggap na ang babaes, lalakis,sanggols atbp.
40 Ponemang morpema Ang o at a ba ay ponemang morpema na nagbabadya ng kasarian? Hindi parin. Hinihirang nang buo ang mga salitang tulad ng abugado/abugada, maestro/maestra at iba pa.
41 Kailanan at kasarian ng pangngalanIsahan: isang bulaklak Dalawahan: dalawang bulaklak Maramihan: maraming bulaklak Hindi anyo ng bulaklak ang nagbabago sa iba’t ibang bilang nito kundi ang panuring.
42 Naipapakita ang dalawahan at maramihang anyo ng pangngalan sa pamamagitan ng paglalapi. Isahan: ina Dalawahan: mag-ina Maramihan: mag-iina
43 Sa gramatika may mga pamantayan ng kawastuan na nakatala sa balarila,at dapat iton sundin.Ang descriptive linguist ay nagmamasid at naglalarawan ng wika batay sa aktwal na gamit na naoobserbahan niya.
44 Maraming Salamat sa pakikinig.